Bawat isa ay may iba’t- ibang pagkatao o pag- uugali. Ngunit hindi lahat ng tao, kilala ang kanilang sarili. At sa totoo lang, isa na ako dun. Syempre, may mga bagay din naman ako na alam tungkol sa aking sarili.
Alam ko (at alam din ng mga taong kasama ko palagi), na isa akong mahiyaing bata. Hindi ako nagpaparticipate sa mga activities sa school, pinipili ko lang ang gusto kong salihan. Dahil para sa akin mas mahalaga ang academic kaysa curricular activities. Mahilig rin akong magbasa ng libro, kasi parang kasama ako sa kwento na aking binabasa. At hindi ako mahilig magbasa ng kwento tungkol sa Love, dahil naiinip ako agad (kapag walang kilig moments, para sakin boring yun). Kaya nga kapag love story ang babasahin ko, sa wattpad na lang ako nagbabasa para mabilis at di madami. Ang gusto ko ay nakakaexcite o kaya naman tungkol sa totoong buhay. Ako rin ay judgemental, madali akong manghusga sa ibang tao. Pero syempre, hindi ko sinasabi ang mga ito dahil alam kong makakasakit ako.
Alam ng ibang tao, tahimik at mahiyain lang ako. Pero ang hindi nila alam, masama akong galitin. Hindi ako gumaganti agad (minsan nga di nagrereact eh), dahil palagi kong isinasaisip na hindi ko naman dapat paglaanan o sayangin ang aking oras sa walang kwentang tao o bagay. Hindi naman ako mapagtanim ng galit (nawawala agad ang galit ko pero hindi ko nakakalimutan ang ginawa sa akin), pero kapag nagalit ako, magready ka na lang. Alam ko rin sa sarili ko, at ng malalapit sa akin, na tamad ako. May mga oras na gusto ko lang manood ng tv, magbasa, at magcomputer. At may panahon na tinatamad akong pumasok sa school. Pero kailangan kong maging masipag dahil marami akong pangarap para sa aking sarili at sa aking pamilya. Nag- aaral ako ng mabuti upang makagraduate, magkaroon ng magandang trabaho at maging matagumpay. At sa ngayon yun lang ang tungkol sa aking sarili (yun lang ang alam ko eh). Comment nyo na lang kung may alam pa kayo.
I’m Harrianne Margaret Honrado. 15 years old. 4th year high school student. A Small girl with Big dreams.